Nagbanta ang China ng posibleng hakbang laban sa Pilipinas matapos ipahayag ng pamahalaan ang planong pagpapalit ng pangalan ng mga isla at iba pang features sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea.

Ayon sa China, lumalabag umano ang hakbang na ito sa kanilang inaangking soberanya at sa international law.

Sa ilalim ng Executive Order No. 57 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., papalitan ang pangalan ng mahigit 100 reef, isla, at iba pang bahagi ng Spratly Islands. Inirekomenda ito ng National Maritime Council upang magkaroon ng standard na pangalang Pilipino at mapalakas ang pamamahala at soberanya ng bansa sa lugar.

Matagal nang pinagtatalunan ng Pilipinas at China, kasama ang Brunei, Malaysia, Taiwan, at Vietnam, ang mga bahagi ng South China Sea, lalo na ang Spratly Islands na pinaniniwalaang mayaman sa langis at gas.