TUGUEGARAO CITY- Nangunguna na ngayon ang bayan ng Claveria sa may pinakamataas na aktibong kaso ng Covid-19 sa

lalawigan ng Cagayan matapos pumalo sa 91 ang naitalang nagpositibo sa virus kahapon, araw ng Lunes.

Naungusan na ng Claveria sa bilang na 284 active cases ang Tuguegarao City na mayroon na lamang 203 na

-- ADVERTISEMENT --

aktibong kaso ng Covid-19 kahit na nakapagtala ito ng bagong 24 kaso ng virus.

Ang 169 na panibagong aktibong kaso sa lalawigan ay naitala mula sa 19 na lugar dito na nagdala sa

kabuuang 1,296 total active cases ng probinsya.

Samantala, anim naman ang napabilang na nasawi dahil pa rin sa nasabing virus.

Tig-dalawa dito ay nagmula sa bayan ng Baggao at lungsod ng Tuguegarao, habang may tig-isa naman sa

Allacapan at Aparri.

Sa kabuuan, 438 na ang mga nasawi sa Covid-19 simula noong nakaraang taon.

Umakyat naman sa 10 ang bilang ng Home Quarantine Covid-19 patient sa Tuguegarao City.

Sa ngayon, may kabuuan ng 19,415 ang naitalang kaso ng virus sa Cagayan kung saan 17,681 na ang

gumaling matapos madagdagan ng 105 ngayong araw.