
Patay ang dalawang katao matapos na bumagsak ang isang civilian helicopter sa Pililla, Rizal ngayong umaga.
Ayon sa Rizal Police Provincial Office, nangyari ang insidente kaninang 7:27 a.m. sa Upper Barak, Barangay Quisao.
Sinabi ng pulisya na lima ang sakay ng helicopter, kung saan agad silang dinala sa Rizal Provincial Hospital.
Sinabi ni Pililla Mayor John Masinsin na dalawa ang namatay sa insidente.
Ayon naman sa Rizal PPO, kasalukuyan na ang pakikipag-ugnayan nila sa mga kaukulang ahensiya ng pamahalaan para malaman ang sanhi ng pagbagsak ng nasabing helicopter at matiyak ang kaligtasan sa lugar.
-- ADVERTISEMENT --










