Tuguegarao City- Patuloy pa rin ang ginagawang paghahanap ng mga otoridad sa dalawang mangingisda matapos pumalaot sa Dipari Island sa Calayan, Cagayan.

Kinilala ang dalawa na sina Joel Pedron 26 anyos at Norman Gumarang 30 anyos mga kapwa residente ng Brgy. Diram, Cagayan

Sa panayam kay Cherry Gumarang, maybahay ni Norman Gumarang ay hindi pa umano natatagpuan ang dalawa maging ang sinakyang motorized bangka na pag-aari ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Kasama sa mga nagsasagawa ng search operation and rescue operation ay ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Air Force (PAF) upang mapabilis ang paghahanap sa mga ito.

-- ADVERTISEMENT --

Matatandaang pumalaot ang dalawa kasama ang 9 na bangkang gamit ng iba pang mangingisda noong Enero 9 ngayong taon.