Susunduin ng dalawang matataas na opisyal ng pamahalaan sa Indonesia si Alice Guo.

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) na nakarating na kaninang madaling araw sa Jakarta sina DILG Secretary Benjamin Abalos at Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Marbil para sunduin si Guo.

Ayon sa DILG, lumapag ang sinakyang eroplano nina Abalos at Marbil sa Soekarno Hatta International, Jakarta Indonesia kaninang 2:00 a.m.

Kaugnay nito, sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo na ililipat nila si Guo sa Senate sergeant-at-arms sa sandaling maibalik na siya sa bansa dahil ang Senado ang may arrest warrant laban sa kanya.