Tuguegarao City- Boluntaryong sumuko ang dalawang indibiduwal na miyembro ng Communist Terrorist Group sa hanay ng PNP Sto. Niño.

Sinabi ni PCAPT Cherry Bartolome, hepe ng PNP Sto. Niño, gabi ng June 4 ng magpatulong sila sa mga brgy. Official na sumuko sa mga otoridad.

Aniya isang lalaki at babaing ang sumuko sa kanilang hanay na miyembro pa miyembro pa ng CTG mula noong 2018.

Ayon aniya sa salaysay nila, naisipan nilang kumalas sa kanilang kinabibilangang grupo dahil sa hirap ng buhay na dinanas sa pagiging “runner”.

Paliwanag ng opisyal ang “runner” ay tawag sa mga miyembro ng makakaliwang grupo na inuutusan upang maghanap ng mga pagkain at pangunahing pangangailangan.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito, kabilang rin umano sa iniikutang lugar ng dalawa ay ang bayan ng Rizal at ilang bahagi sa Apayao.

Sinabi pa ni PCAPT Bartolome na nakikipagtulungan naman ang dalawa sa pagbibigay ng mga impormasyong kailangan ng mga otoridad laban sa banta ng insurhensiya.

Ayon pa sa hepe ay tutulungan naman ng kanilang hanay ang dalawa upang mabigyan ng tulong mula mga programa ng pamahalaan.