Hiniling ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa Department of Justice (DOJ) na magpalabas ng Immigration Lookout Bulletin Order o ILBO laban sa kaniyang pinalitang si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.

Sa gitna ito ng ginagawang imbestigasyon sa maanomalyang flood control projects ng pamahalaan.

Batay sa inilabas na kopya ng kagawaran, ipinalalagay din sa ILBO bukod kay Bonoan sina Candaba, Pampanga Mayor Rene Maglangue, at ilang opisyal ng MBB Global Properties Corporation.

Layon ng ILBO na bantayan ang paglabas ng bansa ng mga nabanggit na indibidwal habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga ‘ghost’ at palpak na flood control projects.

Ayon kay Dizon, tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na papanagutin ang lahat ng posibleng sangkot sa maanomalyang proyekto.

-- ADVERTISEMENT --