
Walang pagsisisi si dating Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III sa pagkakaaresto ni dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa pagdadala rito sa The Hague.
Iginiit ni Torre, ngayon ay general manager na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), na sumusunod lamang siya sa kanyang trabaho at walang personal na motibi sa operasyon.
Si Duterte ay inaresto noong Marso 2025 sa ilalim ng arrest warrant na inisyu ng International Criminal Court (ICC).
Ngayong Lunes, Pebrero 23, ay nakatakda ang confirmation of charges hearing ng Pre-Trial Chamber kaugnay sa kaso ni Duterte.
Sumagot naman si Torre sa posibilidad ng paghahain ng reklamo laban sa kanya ng ilang kritiko.
-- ADVERTISEMENT --










