Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na fake news ang kumakalat na post sa social media tungkol sa pagkakaroon ng Saturday classes.

Ayon kasi sa naturang post, magkakaroon na ng pasok tuwing Sabado ang mga bata, elementary students, maging ang junior at senior high school students.

Magsisimula umano ito sa darating na Sabado, July 5, 2025.

Sa pamamagitan naman ng isang Facebook post, agad umaksyon at naglabas ng babala ang DepEd tungkol dito.

Paalala ng DepEd, tanging sa mga lihitimo at opisyal na social media accounts lamang ng ahensya maniwala at mag-antabay ng anumang anunsyo.

-- ADVERTISEMENT --

Pinaalalahanan din ang mga netizens na mag-ingat at maging mapanuri sa anumang impormasyong makikita online.