Namigay ng trabaho ang Department of Migrant Workers (DMW) ngayong Valentine’s Day para sa mga biktima ng illegal recruitment at human trafficking.

Sa kanyang mensahe sa harap ng mga biktima, hinimok sila ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac na huwag sumuko sa paghahanap ng tagumpay.

Ilang recruitment agencies ang lumahok sa job fair na nagbukas ng mas marami pang oportunidad.

Ayon sa DMW, ito ang ikalawang pagkakataon para sa bagong simula ng mga biktima ng human trafficking at illegal recruitment.