TUGUEGARAO CITY-Inaalam na umano ng Department of Public Works and Highways o DPWH Region 2 kung sino ang may pagkukulang sa matagal na delay sa pagsasaayos sa Nassiping,Gattaranm road.
Sinabi ni Wilson Valdez,tagapagsalita ng DPWH Region 2 na matapos ang aksidente sa nasahing lansangan ay agadna binigyan ng memorandum ang district office na may saklaw sa nasabing proyekto para pagpaliwanagin.
Ayon kay Valdez,iginiit ng district engineering na may hawak sa proyekto na wala silang pagkukulang sa nasabing proyekto.
Bukod dito, sinita rin umano ng DPWH ang contractor ng proyekto.
Nangako naman umano ang contractor na tatapusin ang proyekto sa ibinigay sa kanila ngayon na ultimatum.
Subalit,sinabi ni Valdez na kailangan pa rin na malaman kung sino ang nagkulang kaya natengga ng matagal ang proyekto.
Ayon sa kanya, kung ang contractor ang may pagkukulang ay mapapatawan ito ito ng sanctions.