
Kinumpirma ng defense ministry ng Kuwait na tinarget ng drone attack ang fuel tanks ng Kuwait International Airport habang nagpapatuloy ang mga pag-atake ng Iran sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.
Ayon sa tagapagsalita ng defense ministry, direktang pinuntirya ng mga drone ang mahalagang imprastraktura ng paliparan.
Sinabi rin ng opisyal na kasalukuyang tumutugon ang pwersa ng Kuwait sa sunod-sunod na pagpasok ng mga “hostile drones” sa kanilang airspace.
Ang insidente ay bahagi ng patuloy na tensyon sa Middle East habang nagpapatuloy ang mga pag-atake ng Iran sa ilang bansa sa rehiyon.










