Tuguegarao City- Kulong ang isang local tourist matapos masabat sa checkpoint operation ang mga dala nitong marijuana sa Bulanao, Tabuk City, Kalinga.

Kinilala ang suspek na si Marc Airone Joya na mula sa Naic, Cavite.

Sinabi ni PCOL Job Russel Balaquit, director ng PNP Kalinga na nakahalo sa dalang gulay ng suspek ang marijuana leaves na tinatayaang nagkakahalaga ng P484,000.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa kay Balaquit na iniimbestigahan na nila kung saan at kung sino ang pinagkuhanan ng suspek sa nasabing marijuana leaves.