Sinabi ng House trial spokesperson na si Kabataan Party-list Rep. Raoul Manuel na ang maituturing na “birthday gift” ng House of Representatives kay Vice President Sara Duterte ay ang pagbibigay sa kanya ng due process kaugnay ng mga alegasyon laban sa kanya.

Ayon kay Manuel, mahalagang mabigyan ang bise presidente ng pagkakataong makasagot nang maayos sa mga isyu sa pamamagitan ng pormal na proseso, sa halip na mauna ang hatol ng publiko o politika.

Dagdag pa niya, inaasahan din ng publiko na harapin ni Duterte ang mga usapin ng pananagutan sa tamang forum, bilang bahagi ng hinihinging accountability sa gobyerno.