
Pinayagan ng International Criminal Court si dating Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dumalo sa kanyang detention hearing na nakatakda sa Pebrero 27, 2026.
Ayon sa apat na pahinang ruling na inilabas ng ICC Pre-Trial Chamber I noong Pebrero 25, inaprubahan nila ang nakasulat na kahilingan ni Duterte noong Pebrero 23, kung saan isinuko niya ang kanyang karapatang personal na dumalo sa taunang hearing ukol sa kanyang detention.









