CTTO

TUGUEGARAO CITY-Maraming bilang ng mga motorista ang stranded sa bayan ng Alcala dahil sa pag-apaw ng tubig sa Pared bridge bunsod ng pag-ulan na nararanasan.

Ayon kay Rueli Rapsing, head ng Task Force Lingkod Cagayan ang nasabing tulay ay ang tanging daan para makapunta sa mga bayan ng Northern Cagayan mula dito sa lungsod ng Tuguegarao, vice versa.

Aniya, naging mabilis ang pag-apaw ng tubig kung kaya’t delikado na ito para sa mga motorista

Sa ngayon, sinabi ni Rapsing na patuloy ang ginagawang monitoring ng kanilang hanay kasama ang kapulisan sa lebel ng tubig.