Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na ilan sa mga Pilipinong biktima ng illegal recruiter patungong Pakistan ay inaalok ng pekeng kasal pagdating sa nasabing bansa.
Ito ay para makakuha ng Pakistan Origin Card (POC), kung saan ito ay labag sa batas.
Una nang kinumpirma ng DMW na nakabase sa Dubai, UAE ang sindikatong nag-aalok ng trabaho sa Pakistan gamit ang tourist visa.
Nangangako anila ang mga ito ng trabaho pagdating sa Pakistan, pero karamihan sa mga aplikante ay walang trabaho pagdating sa nasabing bansa.
Muling nagpaalala ang DMW sa publiko na huwag basta magtiwala sa mga alok na trabahong hindi beripikado, lalo na sa online.
-- ADVERTISEMENT --