Natagpuang wala nang buhay ang independent mayoral candidate na si Orlando San Luis Negrete, 80-anyos, sa loob ng kanyang bahay sa Aurora Village, Tumaga, Zamboanga City nitong Martes ng hapon.
Ayon sa pulisya, tinatayang apat na araw nang patay si Negrete bago ito nadiskubre ng kanyang mga kaanak.
Ang bangkay ni Negrete ay nadiskubre ng mga miyembro ng Mindanao militia — isang grupong pinamumunuan niya — matapos nilang hindi makontak ang kandidato simula pa noong nakaraang linggo.
Nakaramdam umano sila ng masangsang na amoy pagdating sa bahay ni Negrete, kaya’t agad silang tumawag sa kanyang pamilya.
Patuloy pa ang imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng kanyang pagkamatay, habang tumanggi naman ang pamilya ni Negrete na magbigay ng pahayag sa media.