
Ikinokonsidera ng Iran na payagan ang limitadong bilang ng oil tankers na dumaan sa Strait of Hormuz, subalit kailangan na ang oil cargo ay ikakalakal sa Chinese yuan, ayon sa isang senior official ng Iran.
Ang posibleng hakbang ay habang pinag-aaralan ng Iran ang bagong plano para mapamahalaan ang daloy ng oil tankers sa Strait.
Ikinakalakal ang halos lahat ng langis sa dulyar, bukod sa langis ng Russia na may sanction, na ikinakalakal sa roubles o yuan.
Sinubukan ng China sa nakalipas na mga taon na bumili ng langis gamit ang kanilang pera, partikular sa Saudi Arabia.
Subalit ang dulyar pa rin ang nananatiling reserve currency sa mundo, at hindi pa gaanong tinatanggap sa global marketplace ang yuan.
Ang Strait of Hormuz ay isang mahalagang daanan ng oil tankers.
Bunsod ng pagsasara nito ay biglang tumaas ang presyo ng langis, na pinakamataas buhat noong July 2022, nang sinalakay ng Russia ang Ukraine.
Nagbabala ang United Nations na ang paghihigpit sa daloy ng mga barko sa Strait of Hormuz ay magdudulot ng malaki at matinding impact sa humanitarian efforts habang nagpapatuloy ng giyera.










