
Nagbabala si US President Donald Trump ng mas marami pang pag-atake sa pangunahing oil export hub ng Iran sa Kharg Island, at sinabing hindi pa siya handa na tapusin ang giyera na nagpasara sa mahalagang Strait of Hormuz at nagpayanig sa global energy markets.
Plano ng Trump administration na ihayag ngayong linggo na maraming bansa ang sumang-ayon na bumuo ng koalisyon para samahan ang mga barko sa makipot na Strait subalit tinatalakay pa kung isasagawa ang mga operasyon bago o pagkatapos ng kaguluhan, ayon sa isang Waal Street Journal, na ang pahayag ay mula umano sa isang opisyal ng US.
Hindi rin nagbigay ng komento ang White House sa nasabing pahayag.
Sinabi ni Trump nitong Biyernes na magsisimulang sasamahan ng US Navy sa malapit na hinaharap ang oil tankers, at sinabing gusto ng Iran na magkaroon ng negosasyon, subalit itinanggi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi ang nasabing pahayag ng pangulo ng Amerika.
Binigyang-diin ni Araqchi na hindi sila kailanman humingi ng ceasefire at negosasyon.
Sinabi niya na handa silang ipagtanggol ang kanilang bansa, anoman ang kahihitnan nito.
Iginiit ni Araqchi na matatag ang malakas sila, at wala silang nakikitang rason para makipag-usap sa Amerka, dahil sa nakikipag-usap sila nang magpasiya ang US na magsagawa ng pag-atake sa kanilang bansa.
Ayon naman kay US Energy Secretary Chris Wright, inaasahan matatapos ang giyera sa loob ng ilang linggo, at magkakaroon ng pagbabago ng suplay at muling bababa ang presyo ng langis.
Samantala, sinabi ng International Energy Agency na magsisimulang dumaloy ang kanilang emergency reserves sa global markets sa malapit na hinaharap, kung saan nangako ang member countries ng 411.9 million barrels.










