
Ipinahayag ng Iran na nais nito ang pangmatagalang pagtatapos ng digmaan laban sa United States at Israel, at tinanggihan ang panukalang pansamantalang ceasefire na may kasamang muling pagbubukas ng Strait of Hormuz.
Ayon sa ulat, ipinadala ng Iran ang tugon nito sa panukala ng U.S. sa pamamagitan ng Pakistan.
Binubuo ito ng 10 kondisyon kabilang ang pagtigil ng labanan sa rehiyon, ligtas na pagdaan sa Strait of Hormuz, pag-alis ng sanctions, at rehabilitasyon.
Tinanggihan ni US President Donald Trump ang panukala at iginiit ang kanyang deadline para sa pagbubukas ng naturang ruta, na mahalaga sa pandaigdigang suplay ng langis at gas.
Matatandaang isinara ng Iran ang Strait of Hormuz matapos ang mga pag-atake ng U.S. at Israel noong Pebrero, na nakaapekto sa malaking bahagi ng pandaigdigang enerhiya.
Samantala, lumitaw ang isang balangkas ng kasunduan na pinangunahan ng Pakistan na naglalayong magkaroon ng agarang ceasefire at kasunod na usapang pangkapayapaan sa loob ng 15 hanggang 20 araw, sa tulong ng mga opisyal mula sa U.S. at Iran.










