Huli ang isang 19 anyos na lalaki matapos na aksidenteng mabaril ang kanyang kainuman sa bayan ng Baggao, Cagayan.

Kinilala ni PLTCOL.Osmundo Mamanao chief of police ng PNP Baggao ang biktima na si Claro Octaviano, criminology student habang ang suspect naman ay si Cyrus James Lunnay, kapwa 19 anyos at residente sa Brgy.Imurung, Baggao.

Lumalabas sa imbestigasyon na nagkayayaan sa inuman ang dalawa kasama ang isa pa nilang kaibigan sa bahay ng suspect.

Habang nasa kalagitnaan aniya ng inuman ang tatlo ay nilabas ng suspect ang kanyang caliber 45 na baril sa kadahilanang nais nitong turuan ang biktima kung papaano humawak ng baril.

Hindi umano alam ng Lunnay na may bala ang baril at nang ikasa niya ito ay aksidenteng tinamaan ang hita ng biktima.

-- ADVERTISEMENT --

Agad tumakbo ang suspect papalayo ngunit nahuli din kaagad sa kanilang barangay.

Base sa salaysay ng suspect, matagal na niyang itinatago ang baril na nahukay umano niya noon pang 2014.

Sa ngayon ay nasa maayos na kalagayan ang biktima habang mahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting to serious physical injuries at RA 10591 o illegal posession of fire arms ang suspect.