Nahuli ng mga otoridad ang apat na suspect kabilang ang isang pulis sa pamamaril kagabi sa isang kainan at inuman sa Barangay Tanza, Tuguegarao City na ikinamatay ng dalawang katao at ikinasugat ng iba pa.

Kinilala ng PNP ang mga nahuli na sina John Michael Calata, 27, at Ramon Lopez, 38, driver, kapwa driver ng lokal na pamahalaan ng Peñablanca, Cagayan, Elmer Abalos, 58, kawani ng LGU Peñablanca, at PCMS John Carlo Carag, nakatalaga sa PNP Peñablanca at residente ng Brgy. Caggay, Tuguegarao City.

Ayon sa PNP, agad na nagsagawa ng hot pursuit ang SWAT personnel na pinangunahan ni PCMS Ivic Ramirez sa ilalim ng supervision ni PLTCOL Pepito Mendoza Jr., officer in charge ng PNP Tuguegarao PNP kasama si PCOL Julio Gorospe Jr., director ng PNP Cagayan laban sa mga suspect.

Nagkataon na nakita ng team ang isang kotse na walang plae number na mat markings na MDRRMO Peñablanca, Cagayan na nakaparada sa parking area ng isang pribadong ospital sa Brgy. Carig at kahinahinala.

Dahil dito, lumapit si Pat Jay Tamayao upang tignan ang sakay ng sasakyan at inutusan na buksan ang cabin light nito.

-- ADVERTISEMENT --

Nakita ng pulis ang iba’t ibang armas sa loob ng sasakyan.

Agad na kinordon ng SWAT team ang lugar at inaresto ang sakay ng sasakyan na si PCMS Carag at Calata.

Nahuli din ng SWAT sina Lopez at Abalos na nasa loob ng ospital at boluntaryong isinuko ang kanilang mga armas.

Nakuha din sa mga suspect ang lima pang iba’t ibang uri ng baril at mga bala.

Nagsasagawa pa ng karagdang imbestigasyon ang PNP sa nasabong insidente.