TUGUEGARAO CITY – Binawian na rin ng buhay ang kagawad na nadamay sa pananambang sa kapitan ng Brngy.Bubug, Sto. Tomas, Isabela kamakalawa ng gabi.
Una rito, dead on arrival si Kapitan Manuel Ramento habang tinamaan naman ng bala ng baril si Kagawad Glen Padre at pamangkin ng kapitan na 6 years old na babae.
Binawian ng buhay si Padre habang ginagamot sa Cagayan Valley Medical Center.
Una rito, sinabi ni Pcapt. Mariano Manalo, hepe ng PNP Sto.Tomas na illegal logging ang iniimbestigahan nilang motibo sa pananambang.
Ayon sa kanya, bago kasi ang insidente ay may natanggap noon banta sa pamamagitan ng text ang kapitan matapos niyang ipagbawal ang illegal logging sa kanyang nasasakupan.
Sinabi ni Manalo na maging ang Criminal Investigation and Detection Group ay nagsasagawa na rin ng imbestigasyon sa insidente.
Matatandaan na galing sa isang pista sa kalapit na barangay sina kapitan at nang pauwi sakay ng kanyang van ay pinagbabaril sila ng hindi pa nakikilalang mga suspek.
Nakuha sa crime scene ang 32 basyo ng m-16 rifle.