TUGUEGARAO CITY- Inihahanda na ang kasong murder laban sa mag-ama na nasangkot sa pamamaril sa isang kapitan sa Allacapan, Cagayan.

Kinilala ni Pcpl. Ariel Beltran ng PNP Allacapan ang biktima na si Mariano Tabanda, kapitan ng Brngy. Bulo habang ang mga suspek ay ang mag-aamang sina Virgilio, Edison at Junjun Trinidad.

Sa imbestigasyon, sinabi ni Beltran na bago ang pamamaril nagkaroon away sa pagitan ng kapitan at sa apat na katao kabilang ang mag-aama nang sitahin sila ng kapitan dahil sa pangingisda gamit ang kuryente.

Binunot ng kapitan ang kanyang baril nang sugurin siya ng isa sa sa mga suspek na si Edison.

Aksidente umanong pumutok ang baril at tinamaan sa siko si Rocky Costales na aawat sana sa gulo.

-- ADVERTISEMENT --

Dito na nabitawan ng kapitan ang baril na pinulot naman ng ni Junjun at ipinutok sa kapitan.

Nagtamo ng anim na tama ng baril ang kapitan.