Binuksan na sa kauna-unahang pagkakataon ang Brgy Tourism Center na matatagpuan sa Brgy Masi, Rizal, Cagayan.

Sa halagang P20 para sa adults at P10 para sa minors ay matutunghayan na ang mga magagandang tanawin na likas na yaman ng Zinundungan Valley.

Ayon kay Rizal Mayor Joel Ruma, kabilang sa mga maaaring pasyalan sa lugar ang ipinagmamalaking blue lagoon, crab pool, falls at ang pagligo sa sariwa at malinis na tubig na galing sa kabundukan at maraming iba pa.

Kasabay nito sinbabi ni Ruma na marami na rin mga turista ang pumupunta na namangha sa magagandang likas na yaman sa lugar na tiyak namang sulit sa minimal na bayad sa entrance fee.

Tiniyak din ng alkalde ang seguridad ng bawat papasyal sa lugar sa pamamagitan ng idineploy na pulis katuwang ang mga Brgy officials sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --