Isang hand grenade at dalawang tear gas ang natagpuan sa bahagi ng palayan noong umaga ng Martes, May 26 sa Barangay Baluncanag, Rizal, Cagayan.
Nadiskubre umano ng isang magsasaka ang naturang pampasabog na nakabalot pa sa plastic habang ito ay nagpapastol ng kanyang kalabaw.
Agad naman niyang ipinagbigay-alam sa otoridad ang kanyang nakitang kinakalawang na granada at tear gas.
Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng Explosive Ordnance Disposal o EOD ang bomba para sa isasagawang disposal.