TUGUEGARAO CITY- Suspendido ang klase sa lahat ng antas mula pre-School hanggang Graduate School sa pampubliko at pribado bukas, Araw ng Lunes, Nobyembre-18.

Ang deklarasyon ay batay sa rekomendasyon ng PCCDRMO sa tanggapan ni Cagayan Governor Manuel Mamba.

Layon nitong maiiwas sa panganib ang mga estudyante sa anumang banta ng nasabing bagyo na na inaasahang tatama sa kalupaan ng Cagayan bukas.

Samantala, ipapatupad naman ang “Liqour Ban” simula bukas sa oras na alas 6 ng umaga.

Kaugnay nito ay mananatili ang suspensyon at liquor ban hanggat hindi binabawi ng Gobernador.

-- ADVERTISEMENT --