TUGUEGARAO CITY-Nakapagtala ng 21 panibagong kaso ng coronavirus disease 2019 (covid-19) sa rehiyon dos kung kaya’t umakyat na sa 1,537 ang kumpirmadong kaso sa rehiyon.
Batay sa inilabas na datos ng Department of Health (DOH)-Region 02,mula sa nasabing bilang ng mga bagong kaso, tig-siyam ay mula sa Cagayan at Isabela habang tatlo sa Nueva Vizcaya.
Dahil dito, umakyat na sa 533 ang aktibong kaso sa rehiyon,928 ang nakarekober at 24 ang namatay.
Mula naman sa bilang ng mga aktibong kaso, 62 percent ay asymptomatic at 38 percent ang mild.
Nanguguna pa rin ang probinsya ng Isabela sa may pinakamaraming naitalang kaso ng covid-19 na nasa 583 sunod ang Nueva Vizcaya na may 492, Cagayan na may 370, 78 sa Santiago City, lima sa Quirino habang nananatiling covid-19 free ang Batanes.
Samantala, 19 sa mga nagpositibo sa virus ang kasalukuyang minomonitor sa Cagayan Valley Medical Center (CVMC) kung saan 13 ay mula sa Cagayan at anim ay galing sa Isabela habang siyam ang mga suspected cases sa CVMC.