TUGUEGARAO CITY-Hindi nakalusot ang isang lalaki sa checkpoint ng kapulisan nang tangkain nitong ipuslit ang nasa 30 karton ng nakalalasing na inumin sa bayan Sta Ana ,Cagayan.

Kinilala ang suspek na si Michael Macarubbo, 37-anyos, negosyante at residente ng barangay centro.

Nakita ang mga nakalalasing na inumin sa sasakyan ng suspek nang mapadaan sa inilatag na checkpoint ng PNP sa Barangay Casambalangan.

Batay sa naging salaysay ng suspek sa kapulisan,kinuha umano niya ang mga alak na nagkakahalaga ng P30,000 sa bayan ng Sta Teresita at dadalhin sa kanyang puwesto.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 11332 at sa implementasyon ng liquor ban.

-- ADVERTISEMENT --