TUGUEGARAO CITY-Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang lalaki matapos aksidenteng mataga ang sarili habang kumukuha ng ratan sa bayan ng Sta Praxedes.

Ayon kay Police executive master sergt. Sanny Burigsay ng PNP- Sta Praxedes, nagtungo ang biktima na si Ronel Gutierrez, 55-anyos at residente ng Brgy. Centro uno sa bulubunduking bahagai ng Brgy. Macatel kasama ang kanyang dalawang kaibigan para kumuha ng ratan.

Nang makarating sa lugar, naghiwa-hiwalay ang tatlo ngunit nagulat na lamang ang dalawa ng kanilang makita si Gutierrez sa lugar na kanilang sinabi na sila’y magkita-kita na duguan at may sugat sa kaliwang paa.

Agad namang bumaba sa kabundukan ang isa nilang kasamahan para humingi ng tulong na nirespondehan naman ng kapulisan.

Sinubukang dalhin sa pagamutan si Gutierrez ngunit idineklara ng umasikasong duktor na dead-on-arrival dahil sa dami ng nawalang dugo sa kanyang katawan.

-- ADVERTISEMENT --

Wala namang nakikitang foul play sa nangyaring insidente.

Tinig ni Police executive master sergt. Sanny Burigsay

Samantala, nabigyan naman ng warning ang dalawang kasamahan ni Gutierrez na sila’y mahaharap sa kaukulang kaso kung muli silang pupunta sa bundok dahil paglabag ito sa kasalukuyang ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil sa Covid-19.