Sinampahan ng kasong frustrated murder ang isang lalaking tumaga sa kanyang bayaw sa bayan ng Sto. Niño

Cagayan.

Kinilala ang biktimang si Jomar Requimin, 37, anyos, magsasaka habang ang suspek ay si Antonio Cielos,

kapwa residente ng Brgy. Abaryongan Ruar sa nasabing bayan.

Ayon kay PMAJ Elmo Lorenzo hepe ng PNP Sto Niño, lasing si Cielos ng bigla nalamang nitong sugurin ang

-- ADVERTISEMENT --

grupo ng biktima na kasalukuyan ding nag-iinuman sa loob ng kanilang bahay.

bigla umanong pinagtataga ni Cielos si Requinin na sinubukan pang tumakbo ngunit hinabol pa rin siya ng

taga ng kanyang bayaw.

Sa imbestigasyon ng pulisya, bago ang insidente ay una ng nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang dalawa

nang maungkat ang kanilang alitan sa lupa na isa sa tinitignang anggulo ng pulisya sa naganap na

pananaga.

Sa ngayon ay critical ang kondisyon ng suspek na kasalukuyang nasa pangangalaga ng Cagayan Valley

Medical Center dahil sa mga natamo nitong taga sa ibat ibang bahagi ng katawan.