TUGUEGARAO CITY-Muling nagpaalala ang Local Government Unit (LGU)-Tuguegarao kaugnay sa ipinapataw na multa sa mga mahuhuli na hindi nagsusuot ng face mask.

Malinaw umano ang ordinansa na ipinatutupad sa lungsod na ang mahuhuling walang suot na face mask ay may multang P1,000 sa unang paglabag, sa pangalawang paglabag ay P2,000 at P3,000 sa pangatlong paglabag.

Sa hindi wastong paggamit naman ng face mask ay may multang 500 at community service sa unang paglabag, sa pangalawang paglabag ay P1,000, sa pangatlong paglabag ay P2,000 at sa pang-apat na paglabag ay P3,000.

Bagamat pinaluwag na ang community quarantine sa lungsod, kailangan pa ring sumunod sa mga alituntunin ng mga kinauukulan para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease 2019 (Covid-19.