Nakuha ng long-distance runner na si Asia Paraase ang unang gintong medalya sa Palarong Pambansa 2024.

Nanguna si Paraase, incoming Grade 12 ng Pajo National High School of Lapu-Lapu City sa secondary girls 3,000-meter run.

Sinabi ni Paraase na na kailangan lang ang tiwala sa sarili at sa Panginoon at maging sa team sa pagsali sa kompetisyon.

Ayon pa kay Paraase na nagbunga ang lahat ng kanyang paghihirap lalo na sa pag-eensayo.

Pumangalawa naman sa nasabing laro si Crishia Mae Tajarros ng Eastern Visayas.

-- ADVERTISEMENT --