TUGUEGARAO CITY- Ginagamot ngayon ang magkapatid na isang miembo ng PNP at BJMP matapos na mabaril ng isang pulis sa Tuguegarao City kagabi.
Sinabi ni PLT Victor Bis, sa salaysay ng suspek na si Vicente Lacambra, PNP member na nabaril niya ang magkapatid na sina Joel Diciano, BJMP personnel at Bonifacio, PNP member nang tangka nilang agawin sa kanya ang kanyang baril.
Bago umano ang insidente ay nagpatulong sa kanya anak ni Joel na si Dante matapos siyang saktan ng ama dahil sa nakainom umano ito.
Pumunta naman umano siya kay Dante pinasakay niya ito sa kanyang kotse nang masalubong niya ito na tumatakbo
Dito naman nagpang-abot ang suspek at ang magkapatid at pilit na gustong kunin ang bata kung saan dito na nagkaroon ng argumento hanggang sa mabaril ng suspek ang magkapatid.