Kulong ang isang magsasaka matapos nitong gahasain umano ang apat na taong gulang na bata sa Brgy. Naruangan, Tuao, Cagayan.

Sa panayam kay PMAJ Jhunjhun Balisi, hepe ng PNP Tuao, ang biktima at ang kanyang menor de edad din na kapatid ay iniwan ng kanilang Ama sa kubo na nasa gitna ng kanilang bukirin dahil tiwala siya na ligtas sila sa lugar dahil nasa labas lamang at nagtatrabaho ang 48 anyos na suspek na kanilang katiwala sa bukid.

Hindi rin aniya nabantayan ng kanilang ina ang dalawang bata dahil mayroon ding importanteng lakad sa ibang barangay kaya’t nagpasya ang kanilang ama na isama sila sa bukid.

Gayonman, pagkaraan ng ilang minuto lamang ay nagulat nalamang ang tatay ng apat na taong gulang na biktima ng makita niyang nakapatong na siya sa bata na natanggal na ang saplot.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil sa galit ay nagawa pa aniyang habulin ng Ama ang suspek gamit ang itak ngunit mabilis naman siyang tumakbo palayo at tumakas.

agad namang nakapagsumbong sa pulisya ang Ama ng biktima at agad na isinailalim sa medical na pagsusuri ang biktima.

Sa isinagawang hot pursuit operation ay hindi nadatnan ng mga otoridad sa kanyang bahay sa Brgy. Dagupan Tuao ang supek at sa tulong ng mga concerned citizen ay natukoy na agad palang nagtungo sa Brgy. Bualao, Aurora, Isabela ang suspek at dito siya nahuli ng pulisya.

Sa ngayon ay hawak ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong statutory rape.