TUGUEGARAO CITY-Dead-on-arrival ang isang magsasaka matapos masangkot sa vehicular accident sa bayan ng Sto niño, Cagayan, kahapon.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, pauwi na umano ang biktima na si Santiago Dela Cruz, 56-anyos residente ng Brgy. Lattac mula sa pagdeliver ng karne ng baboy lulan ng kanyang motorsiklo.

Nang makarating sa pakurbadang bahagi ng daan sa Brgy. Lubo ay biglang may tumawid na aso.

Dahil dito, nawalan nang kontrol sa pagmamaneho ang biktima na sanhi ng pagkatumba kung saan nagtamo ng sugat sa katawan.

Agad dinala sa pagamutan ang biktima ngunit dahil sa malubhang sugat na tinamo ay idineklarang patay ng umasikasong duktor.

-- ADVERTISEMENT --