TUGUEGARAO CITY-Pinaghahanap na ng mga rescue team ang isang magsasaka matapos tangayin ng malakas na agos ng tubig sa Bayan ng Conner, Apayao, kahapon.

Ayon kay Albert Bacuyag ng MDRRMO Conner, Apayao, pauwi na ang biktima na si Jaymar Bandong, 40-anyos ng Barangay Daga kasama ang tatlo pang kasamahan nito mula sa bukid nang tumawid sila sa creek.

Aniya, hindi kinaya ng biktima ang malakas ng agos ng tubig na sanhi ng kanyang pagkatangay.

Tumaas ang level ng tubig sa nasabing lugar dahil na rin sa nararanasang pag-ulan dulot ng Bagyong “Ramon at Sarah”.

Hindi naman agad napansin ng kanyang mga kasamahan dahil sa bilis ng pangyayari.

-- ADVERTISEMENT --

Kaugnay nito , sinabi ni Bacuyag na ipagpapatuloy ng mga rescue team ang kanilang rescue operation ngayong araw para agad na mahanap ang biktima.