Sinira ng kapulisan sa Region 2 ang mahigit 37,000 na mga iligal na paputok na isinuko at nakumpiska sa iba’t ibang police station sa Lambak Cagayan.

Isinagawa ito sa compound ng Police Regiona Office 2 kaninang umaga.

Kaugnay nito, sinabi ni PBGEN Marcial Mariano Magistrado na ang ginawang pagsira sa mga nasabing paputok kabilang ang “boga” ay ang pagtatapos ng pagbabantay ng mga pulis sa katatapos na holiday season.

Ayon sa kanya, sa kabila ng mahigpit na kampanya laban sa illegal firecrackers, marami pa rin ang pasaway na nagresulta sa pagtamo ng pinsala ng ilang mamamayan.

Sinabi niya na sa karamihan sa mga nagtamo ng injuries sa rehion ay gumamit ng kwitis at pangalawa naman ang boga.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, sinabi ni Magistrado na sa pangakalahatan, naging payapa at matiwasay ang pagdiriwang ng Pasko at Bagong taon sa Region 2.