
Muling magpapatupad ng dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas.
Sa advisory ng Seaoil, tataas sa P1.20 per liter ang diesel at kerosene, kung saan ito na ang pangsiyam na sunod-sunod na oil price hikes.
Madagdagan din ng P.60 per liter ang gasolina.
Una rito, sinabi ng Department of Energy na ang panibagong dagdag presyo sa mga produktong petrolyo ay bunsod ng tumitinding geopolitical tensions, kabilang ang sitwasyon sa Middle East at ang giyera sa pagitan ng Ukraine at Russia.







