Inimbitahan ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Commodore Jay Tarriela si Sen. Rodante Marcoleta na lumahok sa isang maritime domain awareness (MDA) flight sa Kalayaan Island Group.

Kasunod na rin ito ng pahayag ng senador hinggil sa estado ng Kalayaan Island Group.

Ayon kay Tarriela, handa siyang i-arrange ang naturang flight para kay Marcoleta at tiniyak na sasamahan pa niya ito ng personal.

Nauna rito, umani ng mga pagbatikos ang senador kasunod ng kanyang mga pahayag sa pagdinig ng Commission on Appointments (CA) para sa mga heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Napaulat na sa nasabing pagdinig ay iminungkahi umano ni Marcoleta na ikonsidera ng Pilipinas ang pag-give up sa Kalayaan Island Group, dahil ilan sa mga features nito ay lampas na sa 200-nautical-mile exclusive economic zone ng bansa.

-- ADVERTISEMENT --

Malaunan, idinepensa ng senador ang kanyang pahayag at sinabing ‘taken out of context’ lamang ito.