TUGUEGARAO CITY-Itinuturing ng Alliance of Concerned Teachers (ACT-TEACHERS)na pinakamagulong takbo ng election ang nangyaring halalan noong May 13, 2019 midterm election.

Ayon kay Reymond Basilio ng ACT-Teachers, base sa naranasan ng mga guro na nagsilbi nitong nagdaang election, tila hindi umano handa ang Commission on Election (Comelec) sa automated election dahil sa ilang kapalpakan tulad ng pagkakarooon ng aberya sa mga voting counting machines(VCMs).

Aniya,hindi umano ito ang kanilang inasahan dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na magsagawa ng automated election ang comelec.

Hanggang ngayon aniya ay madami paring mga balota ang hindi naita-transmit lalo na sa Mindanao area kung kaya’t madaming mga guro ang napahaba ang kanilang tungkulin.

Bukod sa mga naitalang kapalpakan, nais rin umanong singilin ng Act-teachers ang comelec ukol sa honorarium na ibibigay ng ahensiya sa mga guro.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ni Basilio na hanggang sa ngayon ay nasa sampung porsyente palamang umano ng mga kaguruan ang nabibigyan ng honorarium.