Aabot sa 980 families o katumbas ng 2,970 individuals ang inilikas sa evacuation center sa bayan ng Gonzaga, Cagayan dahil parin sa pananalasa ng bagyong Ofel.
Ayon kay Edward Gaspar pinuno ng MDRRMO sa bayan ng Gonzaga, ito ay matapos madagdagang pa ang bilang nga mga evacuees dahil sa biglaang pagtaas ng tubig sa ilog.
Ito ay mula aniya sa walong barangay gaya ng Brgy.Tapel, Brgy.Ipil, Brgy.Baua at iba pa.
Sa ngayon ay bineberipika pa ang naiulat na naputol na tulay sa San Jhose dahil sa biglaang pag apaw ng tubig na galing sa kabundukan lalo na at saturated na umano na ang kalupaan.