
Kinumpirma ng UN Ambassador ng Iran na si Amir Saeid Iravani na hindi na bababa sa 1,332 na mga sibilyan sa Iran ang nasawi dahil sa giyera sa pagitan ng nasabing bansa at ng Israel at US.
Ayon kay Iravani, tila talagang tinarget ng Amerika art Israel ang civilian infrastructure; habang ang naging focus ng Iran ay ang mga military sites, at hindi ang mga sibilyan.
Kabaliktaran naman nito ang sinasabi ng US-Israel.
Giit ng ambassador, hindi tina-target ng Iran ang interes ng mga kalapit na estado, at iniimbestigahan nito ang mga alegasyon na tinamaan umano nito ang mga non-military sites.
Sa inisyal na assessment, napag-alaman aniya na ang mga insidenteng ito ay bunsod ng interception o panghihimasok ng defense system ng United States, na maaaring naging dahilan upang mailihis ang pagtama mula sa kanilang orihinal na military targets.










