TUGUEGARAO CITY – Maaari nang gamittin bilang evacuation centers ang mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Tuguegarao tuwing may kalamidad.

Itoy matapos aprubahan ng konseho ang pinasok na Memorandum of Agreement (MOA) ng LGU-Tuguegarao sa DepEd Tuguegarao upang ipagamit sa mga ililikas na residente ang lahat ng pampublikong paaralan sa lungsod.

Sa pamamagitan nito ay hindi na poproblemahin pa ang gagamiting evacuation center sa mga ililikas na kadalasang ginagamit ay mga covered court sa Barangay.