Makulimlim at may ilang mga pag-uulan sa iba’t ibang bahagi ng Northern at Central Luzon dahil sa habagat.

Apektado ng Habagat ngayong Miyerkules ang Ilocos Region, Batanes, at Babuyan Islands na makakaranas ng makulimlim na may mga ilang pag-uulan at thunderstorm.

Halos maulap hanggang sa makulimlim na rin ang papawirin na may ilang mga pag-uulan at thunderstorm rin sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, CAR, Central Luzon, at Metro Manila.

Pangkalahatang maaliwalas ang panahon sa nalalabing bahagi ng bansa, ngunit may tiyansa pa rin ng mga saglit na pag-ulan at localized thunderstorm lalo na sa hapon at gabi.

𝗪𝗮𝗹𝗮 nama𝗻𝗴 𝗻𝗮𝗸𝗶𝗸𝗶𝘁𝗮𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝗼𝗻𝗴 𝗯𝗮𝗴𝘆𝗼 na posibleng direktang makaapekto sa Pilipinas hanggang sa weekend.

-- ADVERTISEMENT --