Opisyal nang ipinadala ng House Committee on Justice ang Notice to Respondent kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng dalawang verified impeachment complaints laban sa kanya.

Ang abiso, na may petsang Marso 4, 2026, ay natanggap ng Office of the Vice President sa Mandaluyong City. Inatasan si Duterte na magsumite ng verified answer sa loob ng 10 araw, na hindi maaaring palawigin ayon sa House rules sa impeachment proceedings.

Ayon kay Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, pinamumunuan ang komite, sapat sa substansya ang mga reklamo.

Ang dalawang reklamo ay inihain nina Joel Saballa at Atty. Nathaniel G. Cabrera.

Binalaan din ng komite na kung hindi magsusumite ng sagot sa itinakdang panahon, ituturing itong pagtanggi sa karapatang sumagot, at ipapalagay na pangkalahatang pagtanggi sa mga alegasyon.

-- ADVERTISEMENT --

Natanggap ng Office of the Vice President ang abiso bandang alas-10:44 ng umaga, Marso 5, 2026. Ayon sa patakaran ng Kamara, kailangan munang magsumite ng verified answer bago magpatuloy ang komite sa susunod na yugto ng deliberasyon.