Kinumpirma ni National Unity Party Chairman at House Deputy Speaker Ronaldo Puno na magpupulong sila sa recess ng Kongreso kung dapat pang manatili sa mayorya o lilipat na sa minority bloc.

Sa pulong balitaan, sinabi ni Puno na hindi kuntento ang NUP sa mga hakbang ngayon ng liderato ng Kamara sa ilalim ni Speaker Faustino “Bojie” Dy III.

Parte ng pag-uusapan kung magbibitiw sila sa mga posisyon tulad ng pagiging Deputy Speaker ni Puno.

Ipinaliwanag nito na kabilang sa kanilang ikinadismaya ang umano’y late release o paglalabas ng budget para sa ilang social services sa maraming distrito.

Nadiskubre umano nila na hindi na-download ng Department of Budget and Management ang pondo para sa mga proyekto dahil ito ay for later release.

-- ADVERTISEMENT --

Ipinunto pa ni Puno na si Dy ang kanilang leader subalit ni hindi umano niya nakakausap ang mga miyembro ng Kamara upang alamin ang kanilang problema at mistulang humihiwalay sa sitwasyon ng mga kongresista.