
Pinayuhan ni Caloocan 2nd District Representative Edgar Erice ang mga kasapi ng oposisyon na iwasan ang anumang ugnayan sa administrasyon habang naghahanda para sa 2028 national elections.
Ani Erice, dapat ay hindi maikabit ang oposisyon sa mga alegasyon ng korapsyon na kinakaharap ng pamahalaan.
Binanggit niya na dapat paghandaan ng oposisyon na huwag makiisa sa administrasyon upang maiwasang si Vice President Sara Duterte ang maging pangunahing oposisyon. Aniya, ang dapat magsama ay sina Pangulong Ferdinand Marcos at Bise Presidente Sara Duterte, na siyang “naggawa ng gulo.”
Sa tanong kung sino ang magiging posibleng standard-bearer ng oposisyon sa 2028, sinabi ni Erice na si dating Vice President Leni Robredo pa rin ang pinakamalakas na kandidato ng oposisyon, ‘wag lang didikit sa Marcos.
Ang pahayag ni Erice ay naganap kasunod ng mga politikal na kilos nina Marcos at Robredo, pati na rin ng anunsiyo ni Duterte na tatakbo bilang pangulo sa darating na halalan.










