Kinumpirma ng Department of Education na makatatanggap ng P7,000 halaga ng annual medical allowance ang mga guro at non-teaching personnel sa bansa.

Ito ay bahagi ng inisyatibo ni Education Secretary Sonny Angara layong paganahin ang pinansyal na pasanin ng mga guro sa kanilang medical expenses.

Nais rin ng ahensya na pahusayin ang healthcare access ng mga ito at mapaunlad ang lagay ng kanilang kalusugan at maging produktibo bilang mga empleyado ng ahensya.

Ang halagang ito ay mas mataas kumpara sa dating P500 medical allowance.

Sakop ng allowance na ito ang mga eligible diagnostic tests na nakapaloob sa DepEd order na inisyu noong 2020.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng ahensya na ito ay bilang pagtalima rin sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin na ang lahat ng mga guro sa bansa ay wala nang aalalahanin sa kanilang gastusin.